Monday, March 9, 2009

Moving on...

I found this one on a blog site. It's all about moving on. It is quite amusing, but definitely true.
Check it out:

Una… may mga taong mahilig sa bago… tuwang tuwa sila pag may bago… nae-excite… ang hindi nila naiisip, yung mga lumang iniwan nila e dating bago… so wag kang malungkot, malamang sa hindi yung pinalit nya sayo… iiwan niya rin, at pag nangyari yun… ikaw na ang masaya at yung pinalit sayo na ang malungkot… sino ang panalo??? IKAW!... so move on na…


Pangalawa…wag mong paniwalaan yung sinasabi na MAHAL KITA KAYA KAILANGAN NATING MAGHIWALAY KASI AYAW KITANG MASAKTAN LALO… hahaha kalokohan to… ito ang mga banat ng ibang mapagsamantala kapag may nakita ng bago at inuumpisahang diskartehan (o alembongan)… ikaw naman si TANGA… naniniwala ka… UU NGA DAHIL MAHAL KITA DUN TAYO SA GUSTO MO… teka TANGA KA BA??? Hindi!... Kaya mag-move on ka na…

Pangatlo… wag mong ipilit sa sarili mo na BULAG ANG PAG-IBIG… kaya maghihintay ka at hahayaang ang panahon ang magdikta na mag move on ka na… at ipapakita mong sobrang miserable ka dahil iniwan ka… ipipilit mo pa rin ang sarili mo… MALI MALI MALI… hindi bulag ang pag-ibig… ang pag-ibig ay mas pinipili pang wala na lang makita kahit ang dami na nyang alam at nakikita… PUWES hindi mo DESERVE yung ganun dahil parehas kang lumaro… ang kailngan mo… yung parehas ding lumaro… move on…

Pang-apat… ang hilig natin sa HAPPILY EVER AFTER… teka nakaka-ilang ganyan ka na ba??? Kung isa pa lang yan at kayo pa rin habang binabasa mo to… baka isa kayo sa ganun… pero kung nakaka-ilang ganyan ka na… abah gumising ka… nung nakaraang tatlong buwan lang naglalasing ka at ayaw mo na mabuhay kasi iniwan ka tapos ayan ka na naman ngayon… ang ibig sabihin nun ay isa lang… di ka pa handa sa isang mature and serious relationship… kaya pwede ba… bitawan mo yang bote o yang sangkaterbang pagkain na kinakain mo dahil stressed ka… mag move on ka no OA mo…

Pang lima… at sa tingin ko dapat mong isiping mabuti… kapag may umalis sa buhay, matuwa ka… kasi naging bahagi sya ng buhay mo… pwedeng napa unlad ka o napariwara ka… kapag may nang-iwan… may dadating… pwedeng mas higit o hindi… maari silang makahanap ng iba… mas higit sayo… pero ang lagi mong tatandaan… di na sila kahit kelan makakakita ng klase ng pagmamahal na sayo mismo nanggaling… dahil ikaw yun… sayo yun galing… at yun yung isang bagay na kahit kanino ay pwede mong ipagmalaki…

You deserve to be HAPPY… and being happy is felt with LOVE… so if you’re not happy then why consider it love…

No comments:

Post a Comment